Children's Day Celebration


                        Siyam na buwang dinadala ng isang ina sa kanyang sinapupunan ang katangi-tanging sanggol na maituturing na regalo mula sa Panginoong Maykapal. Bawat buhay na biyaya ay walang katumbas na kayamanan o materyal na bagay.

                         Sa pagsapit ng Nobyembre, ating isinusulong ang buwan ng mga bata o Children Month Celebration na kung saan ang tema ngayong taon ay "Isulong: Tamang Pag-aaruga Para sa lahat ng mga bata". Sa paglaki ng bawat bata, nakakadiskobre ng bagobng kaalaman, nasasaksihan niya kung paano nga ba umiikot ang mundong kanyang ginagalawan at marami pang iba na siyang dapat gabayan at ituro sa tamang direksiyon. Sa kabilang banda, karamihan parin ng porsiyento ng kabataan ang inaabuso, hindi nakakatanggap ng pag-aaruga mula sa kanilang magulang na syang dahilan na napapabayaan na ang kanilang buhay. Sa murang edad, panggagahasa ang kahihinatnan mula sa kamay ng kanilang ama. Bilang isang responableng magulang, bigyan o pagtuunan ng sapat na oras at panahon ang ating mga anak upang sagano'y maranasan nila ang pagmamahal at pag-aaruga na walang kapantay. 

                        Nakabatay sa tamang pag-aaruga ang kaunlaran at kahihinatnan ng isang tao. Napakalaking papel ang ginagampanan ng responsableng pagiging magulang na magiging inspirasyon at ehemplo sa iba. 


Comments

Popular Posts