Mapanuring Paggamit ng Gadget: Tungo sa Mapagkalingang Ugnayan sa pamilya at kapwa


                         
                         



                         
Ginawa at inimbento ang bagong teknolohiya upang mapadali ang pakikipag-ugnayan ng bawat tao. Napapadali nito ang paggalaw ng tao. Komunikasyon ng pamilya ay napakahalaga. Napapatatag nito ang ugnayan ng pamilya at sa kapwa.  

                          Sa panahon ngayon, gadget dito, social media doon. Dito umiikot ang buhay ng isang tao. Pansinin natin ang paligid, mga kabataan na hawak lamang ang gadget, nasa kwarto lamang na tila ba nagtatago mula sa liwanag sa labas sa halip na naglalaro sa ilalim ng tirik ng araw. Namamasyal kasama ang pamilya. Lahat ng tao ay binago na ng sistema ng teknolohiya. Pansinin din natin na kapag lumalabas ang pamilya para magkaroon ng quality time sa isa’t isa pero sa kanilang harapan ay ang kanilang gadget.m paano maibabalik ang dating pagsasamahan kung nilalamon na tayo ng teknolohiya.


                           Hindi naman mali ang paggamit ng gadgets, ngunit kailangan nating bigyan ng importansya ang ugnayan ng ating pamilya at kapwa. Alamin natin ang ating limitasyon sa paggamit ng mga ito.




links:

Comments

Popular Posts